Bandang alas-singko y media ng hapon ay nagpahayag na ang Philippine
Coast Guard (PCG) Caticlan na nasa storm signal number 2 na ang Aklan kasama na
ang isla ng Boracay.
Dahil dito, ipinababatid ng PCG Caticlan sa publiko na hindi
na pinapayagan ang paglalayag ng anumang motorized water vehicle, lalo na ang
mga bangka, na pumalaot upang makaiwas sa sakuna.
Nangangahulugan na kanselado pa rin ang biyahe ng mga bangka
at cargo vessels hanggang sa muling advisory ng PCG Caticlan.
No comments:
Post a Comment