Aminado ang organizer ng Kalibo Ati-atihan na paunti-unti nang
naglalaho ang mga turistang dayuhan sa selibrasyon ng Kalibo Ati-atihan
Festival.
Kaya balak ngayon ni Sto. Nino Ati-Atihan Foundation, Inc. o
KASAFI Chairman Albert Meñez na makumbinsi ang mga turista sa Boracay na
maki-bahagi din sa pagdiriwang nga Kalibo Ati-atihan.
Dahil dito nasa plano na rin umano ni Meñez na kausapin ang
mga stakeholder sa isla sa pamamagitan ng kanilang grupo na Boracay Foundation
Incorporated o BFI at maging ang Boracay Chamber of Commerce and Industry o BCCI.
Ganoon pa man kung tutuusin aniya ay hindi na kailangan sana
ng promosyon para sa selibrasyong ito sa isla, dahil naririto na sa Boracay,
Aklan ang mga dayuhan, maliban sa bahagi din ng probinsiya ang Kalibo at doon
din ang mga turistang ito dumadaan sa Kalibo International Airport.
Samantala, dahil sa Enero na gaganapin ang Ati-atihan at
kasama sa inaabangan ang Ms. at Mr. Ati-atihan sa darating namang ika-16 ng
Disyembre ay dito sa Boracay gaganapin ang pictorial para sa swim suit
competition. #ecm122012
No comments:
Post a Comment