Nagmamatyag na ngayon sa panahon ang mga paaralan sa Malay
at Boracay para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral ngayong nasa storm
signal number 1 na ang Aklan dahil kay Bagyong Pablo.
Nabatid mula sa tanggapan ng DepEd Malay na kapag tumuntong
na sa signal number 2 ang storm signal, ipapatupad na rin nila ang DepEd order
sa pagkakansela ng klase na otomatik ay wala nang pasok kapag umabot na ito sa signal
number 2.
Isa din umano sa tinitignan ng mga guro ngayon ay ang
sitwasyon ng lugar nila kung delikado sa mga estudyante, at siyang rason din
para i-kansela ang klase maliban sa masamang panahon.
Samantala, nilinaw naman ng DepEd Malay na mayroon pa ring
klase ang mga estudyante sa buong bayan kasama na ang isla ng Boracay.
Napag-alaman din na sa kasalukuyan, ang pamunuan ng Balabag
Elementary School ay nagpahayag na sakaling sumama ang panahon, anumang oras ay
posibleng kanselahin din nila ang mga klase.
Sa ngayon ay naka-monitor umano ang mga guro sa radyo at
telebisyon para malaman ang sitwasyon o estado ng panahon na siyang basehan sa
pag-kansela ng klase. #ecm122012
No comments:
Post a Comment