Inako ni Vice Mayor Ceceron Cawaling ang responsibilidad
bilang Chairman ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC
kapalit ni Malay Mayor John Yap.
Sapagkat ngayong naghahanda ang buong bayan sa posibleng
pananalasa ng bagyong Pablo, nagkataon din na nake-leave si Yap.
Kaya bilang Bise Alkalde ay si Cawaling na muna ang umakto
sa posisyon ni Yap na Chairman ng MDRRMC gayong si Cawaling ang acting mayor sa
ngayon ng bayan hanggang sa makabalik mula sa biyahe si Yap.
Dahil dito, bukas ay nakatakda na kausapin umano ni Cawaling
ang miyembro ng council upang mapag-usapan at ma-plano ang mga dapat gawing
paghahanda para sa pananalasa ng bagyo.
Samantala, inihayag naman ni Sangguniang Bayan Member
Jupiter Gallenero Chairman ng Committee on Public Safety na sa kasalukuyan ay
nakapag-simula na ring gumalaw o naka alerto na rin ang MDRRMC ng Malay.
#ecm122012
No comments:
Post a Comment