Ang mga red flags na makikita ilang metro mula sa beach line
ng Station 1 sa Boracay ay hindi nanganaghulugang pa-abiso ito na ipinagbabawal
ang paliligo.
Sa halip ay inilagay umano ito doon na palatandaang ang
nasabing lugar ay “swimming area”, ito ay para masigurong ligtas ang naliligong
publiko doon.
Inilagay umano ito doon, hindi gaya sa nakasanayan na dito
sa Boracay na kapag itinaas ang red flag ay hudyat na bawal munang maligo.
Paliwanag ni Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao,
ang mga pulang flag na ito ay malatandaang hindi na pwedeng pumasok o lumapit
sa area na ito ang mga bangka o speed boat, dahil para na sa mga naliligo ang
lugar na ito.
Kung maalala, ilang insidente na rin ang nai-ulat na may
naliligo sa area na ito ang nahagip ng bangka o kaya ay nai-istorbo sa maya’t-mayang
pag-angkla sa lugar na ito.
Dagdag pa Labatiao, iba naman dito ang red flag na tinataas
nila kapag delikado ang maligo sa dagat dahil doon naman ito makikita sa
station 2.
Inihayag pa ng Supervisor na hindi lang red flag ang
ginagamit nila sa ngayon sa pagbigay babala sa mga naliligo sa beach kapag
masama ang panahon.
Sapagkat mayroon na rin silang mga signage o karatula na
ililalagay sa mga kritikal o lugar na madalas na pinangyayarihan ang
pagkalunod. #ecm122012
No comments:
Post a Comment