Mismong ang mga opisyales na ng probinsiya ng Aklan ang
nahihiya para sa kalagayan ng Kalibo International Airport o KIA.
Sapagkat umalma na ang ito sa kasalukuyang kondisyon ng
paliparan, kung saan di umano ang pasilidad ay hindi na kagandahan para sa mata
ng mga turista na tumutungo sa Boracay.
Mismong si KIA
Manager Percy Malonesio na rin ang nagsabi na ang lokal na opisyal ng
probinsiya ay nagpaabot na rin ng reklamo sa nakakahiyang kalagayan at
kaayusan, lalo na sa sitwasyon ng palikuran, at passenger terminal na mala
sardinas sa sikip.
Dahil dito, para sa pansamantalang solusyon ay magbabawas
nalang muna umano sila ng flights para maiwasan din ang traffic sa terminal.
Una dito, isang Linggo pa lamang ang nakakalipas ng ihayag
ni Malonesio na nitong mga nagdaang linggo ay dagsa na talaga ang pasahero dahil
halos sabay-sabay magsidatingan ang eroplanong pangdomestic at international
gayon din ang pag-alis ng mga ito kaya nabubulunan ang passenger terminal.
Kung saan, itinuro naman ng Manager ang hindi pa tapos sa
renobasyon na ginagawa ng Department of Transportation and Communication o DOTC
sa gusali ng KIA sa kasalukuyan. #ecm122012
No comments:
Post a Comment