Malaki ang posibilidad na maabot ang 1.2 milyong tourist
arrival sa Boracay ngayong taon.
Sapagkat kulang-kulang 89,000 na lamang o katumabas na isang
buwan record ng tourist arrival ay maabot na ang target na ito, gayong may
isang buwan pa bago matapos ang taon.
Kung saan sobra na ito para sa taong 2012 target na isang
milyong tourist arrival.
Nabatid na buwang ng Oktubre ay naabot ang isang milyong
target, at nadagdagan pa ito ngayong nakaraang buwan ng Nobyembre na umabot din
sa mahigit 86,000 na libong turista.
Bagamat bumaba ang bilang nitong nagdaang buwan ng Nobyembre
kumpara noong buwan ng Oktubre, inaasahan namang tataas ang bilang ng tourist
arrival ngayong Disyembre, dahil sa dadagsa ang bisita sa isla sapagkat ang
karamihan ay dito na magpa-Pasko at Bagong Taon.
Paliwanag naman ng Municipal Tourism Office o MTO, bahagyang
bumaba ang bilang nitong Nobyembre dahil sa balik eskwelahan at trabaho na ang
mga nagbaskyon noong katapusan ng Oktubre kasabay ng pagtatapos ng long week
end bago ang Undas.
Samantala, sa kasalukuyan nasa isang milyong at mahigit
isang daan at siyam na libo na ang kabuo-ang naitala ng MTO simula noong Enero
hanggang Nobyembre. #ecm122012
No comments:
Post a Comment