Sa kabila ng maagang advisory na ipinalabas ng PAGASA at pa-abiso
ng Caticlan Jetty Port ng itigil ang biyahe ng bangka kahapon dahil sa bagyong
Pablo, hindi pa rin naiwasang mayroong mga na-stranded sa Jetty Port kagabi at
doon na inumaga sa holding area.
Nabatid mula kay Lt. Comdr Terence Alsosa, Station Commander
ng Philippine Coast Guard Caticlan, na nakapagtala parin ng isang daan at anim
na put anim na pasahero ang na-stranded papuntang Boracay.
Pero nitong umaga ay naisakay na rin lahat sa bangka patawid
ng isla.
Samantala, 18 naman ang pasahero na hindi nakatawid
papuntang Roxas Oriental Mindoro dahil simula kahapon hanggang ngayon araw ay kanselado
parin ang biyahe ng RORO.
Naniniwala si Alsosa na ang 18 na ito ay possible umanong
kinulang sa impormasyon kaugnay sa bagyo kaya dumiritso parin sa Jetty Port.
Samantala, maliit lamang ang bilang ng na stranded na
pasahero ng RORO, dahil kahapon palang umano ng hapon ay pinabalik na ang mga
RORO bus kung saan lulan ang mga pasahero papuntang Roxas Mindoro. #ecm122012
No comments:
Post a Comment