Balik biyahe na ang mga pampasaherong bangka na may rutang
Caticlan-Boracay epektibo ngayong 5:45 ng umaga.
Ito ay makaraang kanselahin ang biyahe ng bangka bandang
alas-5:30 ng hapon kahapon, matapos sa isinailalim sa Storm Signal #1 ang probinsiya
ng Aklan kasama na ang isla ng Boracay.
Dahil dito, sunrise to sunset na biyahe ng bangka ang
ipinatupad sa Boracay alinsunod sa kautusan ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Lt. Cmdr. Terence Alsosa, Station Commander ng PCG
Caticlan, ibinalik ang biyahe ng bangla ngayong araw sa kabila ng storm signal
number 1.
Ito ay dahil nakita nilang maayos pa naman ang panahon dito
at hindi pa ganoon kalakas ang galaw ng dagat.
Subalit kapag tumaas na umano sa signal number 2 kahit
ganito parin ang panahon ay awtomatikong ikakansela nanaman nila ang beyahe sa
lahat na sasakyang pandagat na ito.
Dagdag pa nito, ano mang oras ngayon araw ay pwede nilang
makansela ulit ang biyahe depende sa takbo ng panahon.
Nabatid din mula kay Alsosa na hanggang sa ngayon ay kanselado
parin ang operasyon ng Sea Sports activity sa Boracay, dahil hindi muna nila
ito pinayagan ng Coast Guard dala ng bagyong Pablo, at para sa kaligtasan umano
ng lahat.
Samantala, nilinaw nito na hindi naman ipinagbabawal ang
paliligo sa beach ngayong araw dahil tiwala ito na may mga nakabantay naman
life guard, na kapag sumama umano ang panahon ay maaaring paalalahanan nalang
ang mga naliligo sa beach.
Paliwanag ng opisyal, wala kasing lokal na ordinansa na
nagbabawal maligo sa beach kapag may parating na bagyo. #ecm122012
No comments:
Post a Comment