Inimbitahan ng MTO o Malay Tourism Office ang mga kawani ng mga
Hotel at Resort sa Boracay lalo na ang mga FO o Front Desk Officers para ipresenta
ang mga programa at estadong turismo sa Boracay.
Inilatag ni Felix Delos Santos, Chief Tourism Officer ng
LGU-Malay ang ilan sa mga nakalinyadang hakbangin ng kanyang opisina para sa pagpapalakas
lalo ng turismo sa isla.
Ilan dito ang mga seminars sa iba’t-ibang sector na may
direktang pakikisalamuha sa mga turista .
Kung saan ang mga front desk officers na mga dumalo ay may
mahalagang tungkulin at partisipasyon para sa matatag na turismo.
Dinaluhan din ang aktibidad ni Boracay Administrator Glenn
Sacapano at ilang opisyal ng LGU-Malay kasama ang mga stakeholders ng BFI at
Boracay Chamber of Commerce.
Ang oryentasyon ay sinimulan nitong umaga na may dalawang
batch na kung saan ang susunod na batch ay mamayang hapon isasalang.
#apsr122012
No comments:
Post a Comment