Dahil nasa storm warning signal # 1 pa rin ang Aklan,
ipapatupad parin ng Philippine Coast Guard o PCG Caticlan ang “sun rise to
sunset” sa biyahe ng bangka.
Kung kaya’t nitong hapon ay kinansela ulit ang biyahe ng
lahat ng pampasahero at pang cargoes na bangka naging ang fast craft na may
rutang Caticlan-Boracay.
Subalit nabatid mula sa PCG Caticlan na bukas ng umaga kapag
maayos parin ang lagay ng panahon kahit nasa signal number parin ang buong
probinsiya, may posibilidad na ibabalik nanaman ang biyahe ng bangka.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay kanselado parin ang
biyahe ng barkong pan-RORO papuntang Roxas, Oriental Mindoro.
Matatandaang nitong alas singko ng hapon, sa kalatas na
ipinalabas ng pamunuan Caticlan Jetty Port muling sinuspende ang biyahe ng bangka. #ecm122012
No comments:
Post a Comment