Pinasiguro ng pulisya sa Boracay na walang dapat ikabahala
ang publiko kaugnay sa mga kumakalat na text message ng di umano’y bagong modus
ng masamang elemento.
Sa mga kumakalat na text message, sinasabing may bata
diumano na umiikot ngayon sa Boracay na pakawala ng mga masasamang elemento,
umiiyak at nagpapahatid pauwi sa kanila, pero sa oras na maihatid umano ito,
patibong pala iyon dahil may naghihintay na grupo ng mga taong may masasama ang
balak.
Ayon kay Boracay PNP Chief P/Insp. Joeffer Cabural, tila
malayong mangyari ang gaya sa kumakalat na text messages dahil napakaliit
lamang ng Boracay para sa ganitong gawain o modus.
Maliban dito, wala din anya silang naitala kaugnay o katulad
sa nakasaad sa kumakalat na balita sa cellphone sapagkat naririyan lamang din
umano ang mga pulis sa paligid na anumang oras ay maaaring lapitan kapag
kailangan ng tulong.
Pero ang bagay na ito ay hindi minaliit ni Cabural at wala
umanong dapat na ikatakot ang publiko.
Maliban dito, isa pang nakaka-alarmang mensahe ang kumakalat
ngayon sa text na mayroong isang rapist diumano ang gumagala din dito sa
Boracay at may nabiktima na ito sa bayan ng Ibajay, Nabas at maging sa
Caticlan. #ecm122012
No comments:
Post a Comment