Epektibo ngayong alas 5:30 ng hapon, ika-3 ng Disyembre,
kanselado na ang biyahe ng mga bangka na may rutang Caticlan-Boracay.
Ito ay sa kabila ng maaliwalas na panahon na nararanasan
dito, pero isinailim na Storm signal # 1 ng PAGASA ang Aklan kasama na ang
Boracay dahil sa papalapit na bagyong “Pablo”.
Kasunod nito, nagkasundo na ang lokal na pamahalaan ng
Malay, probinsiya at maging ang Philippine Coast Guard sa Caticlan na itigil
muna pansamatala ang biyahe ng bangka para masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Sa opisyal na kalatas na ipinalabas ng Caticlan Jetty Port
Public Information Officer Marce Bernabe, simula alas singko y medya ngayon
hapaon ay wala ng biyehe ang lahat ng bangka at maging ang fast craft.
Nilinaw din nitong wala na ring biyahe mga barkong pang-RORO
simula nitong hapon.
Samantala, sa bahagi naman ng Coast Guard, ipinatigil na rin
ang kawaning ito ang iba’t ibang sea sports sa Boracay para maiwasan ang
sakuna. #ecm122012
No comments:
Post a Comment