Halos patapos na ang ginagawang paghahanda ngayon para sa
gagawing “RS: One Wind Surfing World Championship” na gaganapin dito sa
Boracay.
Bagamat may mga kulang pa umano ayon kay Nenette Graf, event
coordinator at isang Boracaynon din na international windsurfing champion,
tiwala ito na magiging maaayos ang lahat sa gagawing aktibidad sa darating na Disyembre
a-10 hanggang a-15 ng taong kasalukuyan.
Sa tulong umano ng lokal na pamahalaan ng Malay at ilang
pang sponsor, kampante ito na magiging okay ang siguridad at lugar na
pagdadausan ng karera ng mga wind surfer mula sa 15 bansa na tutungo dito sa
Boracay.
Dahil sa ang Philippine Coast Guard at ilang awtoridad sa
isla ay magbabantay sa gagawing karera, lalo pa at aakupahin sa aktibidad na
ito ilang metrong swimming area sa Station 2.
Nabatid mula kay Graf na aasahang 60 malalaro mula sa iba’t
ibang bansa ang darating sa Boracay, maliban sa iba pang bisita na mayroong
nang mga titulo na pinakamabilis sa larangan ng wind surfing sa buong mundo.
Ayon pa sa Boracaynon Champion, dito masusubok ang diskarte
ng bawat manlalaro kung paano nila mapabilis na matapos at maabot ng finish
line gamit ang wind surf na pare-pareho ang laki.
Nasa edad na 16 hanggang 21 ang karamihan sa mga sasali sa kompitisyon
na kapwa nangangarap na makatungtong sa Olympics kung saan dalawa ang kalahok
mula dito sa Boracay sa pagkatao ni Gloria Flores at Sonny Gelito.
Isasagawa umano ang “RS: One Wind Surfing World Championship”
dito sa isla dahil sa tinanggap ng Philippine Sports Commission o POC ang hamon
na maging venue ang Pilipinas ng event na ito at ang Boracay ang napili nila.
At kapag maganda umano ang kinalabasan ng event ay magiging
magandang din ang dulot nito sa turismo ng Boracay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment