Hiram lamang ang mga buhangin, kaya ibinalik ito sa Boracay
kung saan kinuha.
Kaya saku-sakong mapuputing buhangin ang ibihuhos sa
dalampasigan noong ika-29 ng Nobyembre sa isinagawang seremonya kung saan
pormal nang ibinalik sa isla ang ginamit
na buhangin sa International Expo 2012 na isinagawa sa Yeosu, South Korea.
Bagamat naging issue sa bahagi ni dating Department of
Tourism o DoT Boracay Officer Judith Icutanim ang pagkuha ng mga nasabing buhangin
sa isla, napalitan naman ito nang marami at positibong papuri mula sa iba’t
ibang lahi na dumalo sa Expo.
Kung saan ang mga buhanging ito ay isa umano sa naging
sentro ng mga mata ng dayuhan, dahil sa batid nila na nagmula ito sa Boracay na
siyang kinikilalang “Best Beach in the World”.
Nahikayat umano ng buhanging ito ang milyong-milyong tao sa
Expo, dahil sa maputi at pino nitong katangian, kaya halos ay pinaglalaruan
nila ito doon.
Ganoon pa man, dahil sa mahalaga umano ang buhanging ito sa
Boracay at kailangang protektahan, ano man kalayo ang pinagdalhan dito ay
hinanapan talaga ng paraan para maisakay sa barko at maibalik lamang ito sa
Boracay.
Sa presensiya ni Municipal Tourism Chief Operation Officer
Felix delos Santos, mga miyembro ng Malay Auxiliary Police o MAP, at ilang pang
sumaksi doon ay ibinalik sa front beach sa Station 1 ang buhangin sa pangunguna
ni Philippine Pavilion Director Gwendolyn Batoon ng DoT, kasama si Icutanim at
DoT-Boracay OIC Tim Ticar.
Matatandaang una nang binatikos si Icutanim bago paman ang
Expo dahil sa hinuli ito ng MAP nang ma-aktuhang pinapala at nilalagay sa sako
ang buhangin.
Pero nitong hapon nilinaw ng dating DoT Officer sa Boracay
na may sapat naman silang dokumeto bago nila ito ginawa, at sa paniniwala ni
Batoon ay may miscommunication lamang na nangyari noon. #ecm122012
No comments:
Post a Comment