Ni Malbert
Dalida, News Director, YES! FM Boracay
Alas-9 ng umaga, iniwan ng biktima at ng kanyang asawa ang
tinutuluyang resort.
Alas-9:30, dumating sila sa station 2 upang maligo sa beach.
Alas-10:30, isinugod na ang biktima sa isang klinika, kung
saan din ito idineklarang dead on arrival.
Nakilala sa report ng Boracay PNP ang 27 anyos na biktimang
si Ming Xiu ng Shanghai, China.
Nalunod umano kasi ito, habang naliligo doon.
Sinasabing buntis umano ang babae, dahilan upang mag-isa na
lamang na naligo at nag-snorkling ang kanyang mister.
Nabahala umano ang asawa nito, nang kanyang mapansing hindi
kumikilos ang lalaki doon sa tubig, matapos niya itong tawagin ng ilang beses.
Nagkataon namang may mga lifeguard na naroon, kung kaya’t kaagad
nagpasaklolo ang asawa ng biktima.
Ayon naman sa lifeguard na si Jeffrey Tapel, kaagad nilang kinuha
mula sa mahigit kumulang pitong metrong layo sa dalampasigan ang lalaki, binigyan
ng pangunang lunas, at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
Labis na pagdadalamhati naman ang naramdaman ng babae,
makaraang idineklarang dead on arrival ni Dra. Larissa Yadao ang kanyang asawa.
Napag-alamang cardio respiratory arrest secondary to massive
pulmonary congestion, secondary to drowning o atake sa puso ang ikinasawi ng nasabing
Chinese national.
No comments:
Post a Comment