YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 03, 2012

Mas mataas na taripa para sa Waste Water na di konektado sa BIWC, ipinaliwanag


Mas mataas na taripa ang babayaran sa Waste Water management ng isang establishemento sa Boracay Island Water Company o BIWC na konektado sa ibang water company.

Ito ang nilinaw ni Acs Aldaba, Customer Service Officer ng BIWC, sa panayam dito kaugnay sa taripang nakasaad sa Notice to the Public ng TIEZA kasunod ng ikakasa nilang Public Consultation sa darating na ika-lima ng Disyembre.

Ayon kay Aldaba, ang times 5 na rate na ito ay nasa pulisiya talaga ng Boracay Water Sewerage System o BWSS kapag ang isang establishemento ay konektado sa ibang kumpaniya ng tubig.

Dahil dito, hinikayat ni Aldaba ang mga kunsumidor o publiko sa Boracay na dumalo sa kunsultasyon sa ika-5 ng buwang ito para lubos na maunawan ang kaugnay dito.

Aniya ang Public Consultation ay ipinatawag ng TIEZA Regulatory sa Boracay, na siyang inatasan para magbantay sa operasyon at serbisyo ng BIWC. #ecm122012

No comments:

Post a Comment