Dagdag seguridad ang sinisiguro ng Boracay Tourist
Assistance Center o BTAC para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at bagong
taon.
Dahil apatnapung Pulis ang nadagdag ngayon sa Boracay Pulis
mula sa Regional Public Safety Company ayon kay P/S Inspector Joeffer Cabural,
Hepe ng BTAC.
Nabatid din mula dito na ang dagdag na bilang ng pulis na
ito ay hindi lamang augmentation, kundi aasahang tatagal na umano ang mga ito
dito dahil gagawin nang organic police ng isla.
Dahil dito, aabot na aniya sa isang daang at dalawampu’t
anim ang lahat ng Pulis sa Boracay.
Matatandaang, ang karagdagang personnel na ito sa BTAC ay
matagal na ring hiniling, para mapunuan ang kakulangan ng otoridad sa Boracay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment