Buhangin ng kunin, pero ng ibalik may kasama nang Plaque
para sa Boracay.
Ito ay dahil kasabay ng turn over ceremony sa pagbabalik ng
buhanging ginamit ng Department of Tourism o DoT sa International Expo 2012 sa
South Korea, bitbit din ng DoT partikular ni Philippine Pavilion Director
Gwendolyn Batoon ang Plaque para kay Malay Mayor John Yap na tinangap naman ni
Municipal Tourism Chief Operation Officer Felix delos Santos.
Kasabay nito ipinagmalaki ni Batoon ang naitulong ng
buhangin ng isla sa isinagawang tatlong buwang Expo na nagsimula noong ika-12
ng Mayo at nagtapos nitong ika-12 ng Agusto taong 2012.
Kung saan sa Expo ang titulo ng Pilipinas ay “Island of Diversity – Seas of
Connectivity” at milyong tao umano ang napahangga doon, maging sa buhangin ng
Boracay kung saan dinisplay dahil sa pino at taglay na kaputian.
Hindi rin umano maitatanggi na kilala talaga ang Boracay
pagdating sa Korea.
Ang plake ng pasasalamat na ibinigay ng DoT kay Mayor Yap ay
dahil na rin sa nakakuha ng dalawang award na kinabibilanagn ng “creative
display at theme development” ang Pilipinas mula sa 11 na bansang nakilahok
doon. #ecm122012
No comments:
Post a Comment