Ligtas pa rin ang paliligo sa White Beach ng Boracay ngayong
araw kahit nasa Storm Signal # 1 pa rin ang Aklan dahil sa bagyong “Pablo”.
Ito ang inihayag ni Life Guard Supervisor Miguel “Mike”
Labatiao sa panayam dito nitong umaga.
Aniya, maliliit lamang ngayon ang alon sa Front beach kaya
ligtas ang maligo.
Pero nakaantabay parin aniya ang mga life guard sa beach
line para bantayan ang sitwasyon at mabigyan ng babala ang mga turistang
naliligo gayong hindi naman umano pwedeng ipagbawal ang paliligo sa Front
Beach.
Ngunit sinabi nitong sa ngayon ay hindi muna nila
hinahayaang pumunta sa malalim na area ang naliligo o lumayo sa beach line ng
may dalawangpu hanggang limangpung metro para sa kaligtasan ng mga ito.
Samantala, mga barangay opisyal, tanod at Malay Auxiliary Police o MAP naman umano ang binigyan
ng responsibilidad para nagbabantay at masigurong ligtas ang mga naliligo sa
Puka Beach sa Yapak. #ecm122012
No comments:
Post a Comment