YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 04, 2012

Biyahe sa KIA, tuloy pa rin


Naabisuhan na umano ng Kalibo International Airport o KIA ang mga airline company.

Ayon kay Engr. Percy Malonesio, KIA manager, sinabihan na nila ang kumpaniya ng mga eroplanong lumalapag doon kaugnay sa pagkasansela ng biyahe ng mga bangka patawid sa Boracay simula kahapon ng alas-5:30 ng hapon.

Layunin umano nila na ipaalam din ng mga airline company na ito sa kanilang mga pasahero ang sitwasyon kung bakit ikinansela ang biyahe dito.

Ito ay upang hindi na tumuloy pa sa pagtungo sa Caticlan at mapaghandaan ng hindi na ma-stranded pa ang mga ito sa Jetty Port.

Ganoon pa man, nilinaw ni Malonesio na tuloy parin ang biyahe ng mga eroplano doon hangga’t maganda pa ang panahon at kaya pa ng paliparan na tumanggap ng mga lumalapag at umaalis na eroplano.

Paliwanag ng Manager, bahala na di umano ang mga airline company kung paano nila isasakay ang kanilang mga pasahero papuntang Boracay dahil hindi na saklaw ito ng KIA. #ecm122012

No comments:

Post a Comment