Walang sinumang customer ang may nais na magbayad ng mataas
na singil sa mga utilities.
Kaya inaasahan na ni Malay Vice Mayor Ceceron Cawaling na
magiging madugo ang Public Consultation na ikinasa ng TIEZA o Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Ito ay para sa balak nilang pagtaas sa taripa ng paniningil
sa serbisyo ng tubig at management ng waste water ng Boracay Island Water
Company o BIWC.
Ayon kay Cawaling, nakikinita nito na marami talaga sa mga konsyumer
ng BIWC ang magpapa-abot ng kanilang reaksiyon o reklamo dahil sa napakalaking
halaga ang idadagdag sa kasalukuyang taripa na ipinapatupad ng BIWC.
Aniya ang 35% hanggang 50% na dagdag sa taripa ay
napakabigat sa bulsa at maging siya umano ay hindi nagustuhan ang ganitong
increase sa bayarin sa tubig dahil maliban aniya sa residente sa Boracay,
malaki din ang epekto nito sa negosyo ng mga investor sa isla.
Dahil dito, inatasaan nito ang kalihim ng Sanggunaiang Bayan
na madaliin na ang pag-gawa sa posisyon letter na naglalaman ng pagtutol ng
konseho sa balak na dagdag singgil sa tubig ngayong unang araw ng 2013.
Plano kasi ngayon ng konseho na ipakita sa TIEZA na hindi
sila sang-ayon dito, kaya sa Public Consultation sana nila ipapaabot ang
nilalaman ng kanilang position letter.
Subalit purnada pa ito dahil ni-reschedule ang petsa ng
consultation sa darating na Lunes.
Samantala, dahil sa napipintong pagtaas sa singgil ng tubig ng
BIWC, nagpanukala naman si SB Member Wilbec Gelito na dapat na ring silipin ng
konseho ang nilalaman ng kasunduan ng TIEZA at BIWC.
Ang pahayag ni Cawaling at Gelito ay isinatinig ng dalawa sa
gitna ng SB Regular Session noong ika-4 ng Disyembre. #ecm122012
No comments:
Post a Comment