Naaalarma na ngayon ang publiko sa bayan ng Ibajay, Nabas,
Malay at maging dito sa Boracay dahil sa kumakalat na text message na may kaugnayan
sa napapabalitang rapist na gumagala ngayon.
Kung saan, ang suspek na ito ay pinaghahanap na umano talaga
ng pulisya ayon sa hepe ng Ibajay Pulis na si P/S Insp. Frenzy Andrade.
Aniya, may kasong attempted rape at homicide ang suspek
dahil sa pagpatay nito sa isang batang babae sa paraan ng pag-sakal dito sa
Aquino, Ibajay nitong nakalipas na Nobyembre a-kwatro.
Pero wala umanong dapat na ikatakot at ipag-panic ang
publiko kaugnay sa mga nakasaad sa text message na di umano ay kumakatok ang
suspek sa mga pamamahay.
Bagamat may mga impormasyon na nakarating sa kanila kaugnay
dito, ngunit sa pangu-ngusisa naman umano nila ay negatibo, subalit may mga
lugar umano na tinuturo kung saan nakikita ang suspek.
Pinabulaan naman ni P/S Insp. Reynante Matillano, hepe ng
Nabas, ang laman ng text message na kumakalat na umano ay may panibagong biktima
ang suspek na kinilalang si alyas “Ambay” sa bayan ng Nabas.
Ayon kay Matillano hindi iyon totoo, pero may mga nagsasabi na
nakita umano ang suspek sa nasabing bayan.
Dahil dito, pinayuhan ni Matillano ang publiko na huwag
paniwalaan ang mga nakakatakot na mensahe gaya ng kumakalat ngayon sa cell
phone.
Samantala, dito naman sa Boracay, nitong umaga sa panayam
kay P/S Insp. Joeffer Cabural ay pinasiguro nito na walang dapat ikabahala ang
publiko dahil, sa imbestigasyon nila ay nakitang wala naman sa isla ang suspek
sa ngayon. #ecm122012
No comments:
Post a Comment