Posted February 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Arestado kahapon ng hapon sa Manoc-Manoc Boracay
ang isang waiter sa kasong physical injury o pananakit.
Ayon sa
report ng mga pulis, inaresto ang akusado na si Allain Kit Berondo, 33 anyos sa
bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Anti-Violence
against women and children act of 2004.
Ang nasabing kautusan ay inisyu sa 10th
Judicial Region Branch 35 ng Ozamiz City, Ozamiz Occidental sa Northern
Mindanao Region nitong nakaraang ika-5 ng Pebrero.
Nabatid na maaari namang magpyansa si “Berondo” sa
halagang 24 mil pesos para sa pansamantala nitong kalayaan.
No comments:
Post a Comment