YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 09, 2015

Aklan Provincial Government at GAD, makikiisa sa “One Billion Rising” ngayong Pebrero 14

Posted February 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Ang Provincial Government ng Aklan sa pamamagitan ng Aklan Gender and Development (GAD) Commission ay makikisa sa One Billion Rising ngayong Pebrero 14.

Ito ay pagpapakita ng suporta kung saan magkakaroon sila ng street dance activity para matigil na ang violence against women and children.

Napag-alaman na ang kampanyang ito ay isang malaking aksyon para matigil na ang pananakit  ng sino man sa mga kababaihan na nagsimula noong 2012.

Sa kabilang banda base sa tala ng Aklan Police Provincial Office-Women and Children’s Protection Desk nagpapakita rito na 841 ang nai-record at nasampahan ng kaso na may kinalaman sa pananakit ng babae noong 2014 kung saan mas mataas naman ito kumpara noong 2013 na may kaso lamang na 582.

Nabatid na ang provincial government ng Aklan, sa pamamagitan ng GAD Commission-Aklan ay gumawa ng aksyon para maiwasan ang karahasan sa mga babae at kabataan.

Hinihikayat naman ng mga ito ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso na lumantad at magsalita upang mapakinabangan ang serbisyo ng gobyerno.

Samantala, ang One Billion Rising ay isang aktibidad na mayroong sayawan na nagpapakita ng pagsuporta sa mga inaaping babae na nilalahukan ng bilyon-bilyong babae sa mundo at ng mga sumusuporta na matigil na ang pananakit sa mga kababaihan.

No comments:

Post a Comment