YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 10, 2015

Bagong Hepe ng Boracay PNP nakatakdang mag-courtesy call sa LGU officials ngayong araw

Posted February 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatakda umanong mag-courtesy call sa mga department heads ng LGU Malay at private sectors sa isla ng Boracay ang bagong hepe ng Boracay PNP ngayong araw.

Ito mismo ang sinabi ni OIC Boracay PNP PSInpector Frensy Andrade sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kahapon ng Boracay Action Group kung saan pormal siyang kinilala bilang bagong hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Sinabi nito na nauna na siyang nag-courtesy call kay Malay Mayor John Yap kung saan nakatakda din umano siyang dumalo sa Sangguniang Bayan Session ngayong umaga para pormal na makilala ang mga opisyales ng Malay.

Samantala, pinasalamatan naman nito ang kanyang bagong mga katrabaho sa Boracay dahil sa mainit umanong pangtaggap sa kanya.

Ayon pa kay Andrade hindi na umano bago sa kanya ang isla ng Boracay dahil nanungkulan na umano siya dito noong mga nakalipas na taon bilang isang Police Officer 1 bago maging hepe ng Ibajay PNP at sa iba pang lugar.

Sa ngayon nais nito na mag-pokus sa kung papaano mababawasan ang crime rate sa isla ng Boracay at ang pagtulong sa pagpapatupad ng ordinansa ng LGU Malay.

No comments:

Post a Comment