Posted February 10, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
“Walang samaan ng loob!”
Ito ang mensahe ni Barangay Balabag
Captain Lilibeth SacapaƱo sa mga illegal vendors at commissioners sa Boracay,
partikular sa Barangay Balabag.
Ayon kasi kay ‘Kap Lilibeth’ SacapaƱo, tuloy
na tuloy na sa Lunes o sa February 16 ang kanilang operasyon kaugnay sa mga
illegal vendors at iba pang may mga illegal na aktibidad sa vegetation area ng
Boracay.
Base sa Municipal Ordinance No. 181, S.
2002, ang mga vendors, masahista, maging ang mga manikuristang accredited ng
MABOVEN o Malay-Boracay Vendors, Peddlers, Ambulant Masseurs and Manicurists
Association lamang ang pinahihintulutang mag-market ng kanilang produkto o
serbisyo.
Maliban dito, pinahihintulutan din ang
mga vendors at kahalintulad na frontliners kapag merun silang mayor’s permit at
lisensya.
Subali’t nabatid na marami paring
illegal vendors at commissioners ang malayang nagtitinda at nang-aalok ng
island activities sa vegetation area, at maging sa beach mismo.
Ayon pa kay Kap Lilibeth’, matagal na
rin umano itong ordinansa ng Malay kung kaya’t umapela din ito na
makipagtulungan para sa ikabubuti ng isla.
Samantala, base sa ordinansa, dapat naka
ID at suot ng mga ito ang unipormeng ipinag-utos ng office of the mayor bago sila
pahintulutan sa vegetation area.
Nabatid na marami na ring mga turista sa
isla ang nagreklamo sa DOT o Department of Tourism Boracay-Sub-Office, Boracay
PNP Station at maging sa LGU Malay dahil sa pananamantala ng mga illegal na
vendors at commissioners sa Boracay dahilan upang maghigpit ang lokal na
pamahalaan ng Malay.
No comments:
Post a Comment