Posted February 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakahanda ang Boracay Island Water Company (BIWC)
na ilipat ang kanilang mga metro na matatamaan ng road easement ng LGU Malay.
Ayon kay BIWC Chief Operating Officer Ben Mañosca, handa
sila na makipagtulungan at sumuporta sa anumang programa ng lokal na pamahalaan
lalo na’t para sa ikabubuti ng isla.
Kaugnay nito, ipinasiguro naman ni Mañosca na hindi
maaapektuhan ang kanilang serbisyo kapag ililipat na ang ilang metro ng BIWC.
Samantala, sinabi din ni BIWC Costumer Service
Officer Acs Aldaba sa panayam ng himpilang ito kaninang umaga na inaantay na
lamang nila ang listahan ng kanilang mga metrong matatamaan ng road easement.
Magugunita na ang pagpapatupad ng Municipal
Ordinance No. 2000-131 ng Malay ay nag-uutos ng anim na metrong road set back
mula sa sentro o gitna ng kalsada sa anumang temporary o permanent structures.
No comments:
Post a Comment