Posted February 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa Lunes na ang nakatakdang paglilinis ng LGU Malay
sa mga illegal vendors at commissioners sa beach area ng Boracay.
Subali’t nangangamba ngayon ang ilan sa mga vendors
sa kung ano naman ang kanilang magiging kahihinatnan sa Lunes.
Ayon kasi sa mga ito, mga Boracaynon at botante din
sila na halos 15 taon nang
naghahanap-buhay sa vegetation area.
May mga mayor’s permit naman umano sila subali’t
expired na at hindi pinahintulutang makapag-renew.
Halimbawa dito ang mga vendors ng souvenirs at
accessories at mga nagtitinda ng barbeque.
Kaugnay nito, nilinaw ni Balabag Barangay Captain
Lilibeth SacapaƱo na hindi sila nag-i-issue ng permit para sa mga nagtitinda ng
barbeque sa vegetation area.
Nilinaw din ni ‘Kap Lilibeth’ na walang dapat
ikabahala kung may puwesto naman, basta’t huwag lang sa ipinagbabawal na lugar.
Samantala, tila iwas-pusoy naman ang ilan sa mga
ito sa tanong kung papaano sila nabigyan ng permit dati kung talagang bawal
sila sa vegetation area.
Kasabay ng night life sa Boracay dulot ng mga disco
bars, makikita ang ilan sa mga commissioners at vendors na naninigarilyo sa
beach o di kaya’y may bitbit na alak, walang damit, habang nag-aalok sa mga
turista.
No comments:
Post a Comment