Posted February 14, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay GAD-Aklan Focal Person Jesebel Vidal, ang
pakikiisa ng mga Aklanons sa “One Billion Rising” ay isang napakalaking hakbang
para matapos na ang Violence Against Women and Children (VAWC).
Anya, ang nasabing aksyon ay masasabing isang
panibagong pamukaw atensyon sa publiko base sa istatistika na isa sa bawat mga kababaihan sa buong mundo ay
sinasaktan o kaya naman ay ginagahasa.
Magpapatunay din umano rito ang ilang mga records
na naitatala ng mga pulis, kung saan tumaas ang kaso ng mga sinasaktang babae nitong
nakaraang taon at karamihan pa umano dito ay mga kabataan.
Samantala, kasama naman ng Gender and Development
Commission (GADC) Aklan na nakisa sa “One Billion Rising” ang buong ahensya ng
pamahalaang probinsyal, sektor sa edukasyon at iba pang mga pribadong grupo.
No comments:
Post a Comment