Posted February 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
May balak na rin umano ngayon sa
pagpapapatayo ng isang Hydropower Plant sa probinsya ng Aklan.
Ayon kay Engr. Roger Esto ng
Provincial Planning and Development Office (PPDO), may isang pribadong kompanya
ang nakikipag-koordinasyon sa probinsya, kung saan balak umano itong magtayo ng
Hdyropower plant sa bayan ng Libacao at Madalag.
Anya, bagamat pinaplano pa lamang
ito, aasahang makakadagdag sa enerhiya na kakailanganin ng probinsya ang
nasabing proyekto.
Malaking tulong din umano ang
pagkakaroon ng hydropower energy upang maibsan ang kakulangan ng kuryente sa
Visayas kung matutuloy ito.
Samantala, nagpahayag naman si
Esto na suportado umano ng pamahalaang probinsyal ang mga ganitong proyekto
lalo na’t kung malaki ang maitutulong sa mga mamamayan.
Kaugnay nito, nagpaabot din ng
pasasalamat si Esto sa kompanya ng PETROENERGY sa pagsasaayos din ng mga ito ng
ilang kalsada sa Nabas Aklan na naging malaking tulong umano sa komunidad.
No comments:
Post a Comment