YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 09, 2015

Magarbong opening program ng WVRAA Meet 2015 sa Aklan, kinamanghaan

Posted February 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kinamanghaan ng mga manunuod at ng mga bisita ang magarbong opening program ng Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2015 sa Aklan kahapon.

Impunto alas-2 kahapon ng hapon ng magbukas ang opening program na nilahukan ng mahigit kumulang 4,000 mga atleta sa elementarya at sekondarya mula sa Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Antique at ang host province na Aklan.

Sinimulan naman ito sa isang parada sa loob ng Calangcang Sports Complex kung saan isinagawa ang naturang event tampok ang mga manlalaro.

Mahigit isang libo namang mga cultural performers at dancers mula sa ibat-ibang paaralan sa Aklan ang nagpakitang gilas sa nasabing programa kung saan hango sa Ati-Atihan festival ang konsepto nito na talaga namang kinamanghaan ng mga manunuod.

Sa kabilang banda hindi naman nakadalo sa naturang okasyon si DILG Secretary Mar Roxas na siya sanang magiging panauhing pandangal ngunit humalili naman sa kanya si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Peter Corvera.

Present din dito ang mga top officials ng Aklan sa pangunguna ni Congressman Teodrico Ted Haresco Jr. Aklan Governor Joeben Miraflores at Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo at ilan pang opisyales ng probinsya kasama na si Aklan Schools Division Superintendent Dr. Jesse Gomez.

Nasulyapan din sa intablado ang mga opisyales ng pamahalaan mula sa mga probinsyang kalahok sa (WVRAA) Meet 2015 kabilang na ang mga DepEd officials.

Samantala ang Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2015 ay magtatapos ngayong Biyernes Pebrero 13.

No comments:

Post a Comment