Posted February 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad na isinugod sa ospital ang dalawang
magkapatid matapos na maaksidente sa sinasakyan nitong motorsiklo sa
Manoc-Manoc, Boracay kagabi.
Kinilala sa blotter report ng BTAC ang mga biktima
na sina Ramie Salvador at Ricky Salvador, 31 anyos.
Ayon sa nakasaksi sa nasabing pangyayari, mabilis
umano ang pagpapatakbo ni “Ramie” ng motorsiklo, dahilan upang mawalan ang mga
ito ng kontrol nang lumiko sa rotonda papunta sa isang paaralan doon.
Napag-alaman din sa blotter report ng mga pulis na parehong
walang helmet ang dalawa at nasa ilalim pa ng nakalalasing na inumin habang
nagmamaneho.
Samantala, naka-impound naman ngayon ang motorsiklo
ng dalawa sa himpilan ng BTAC.
No comments:
Post a Comment