Posted February 11, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Blangko umano sa naging pagpupulong ni Congressman
Haresco at ng BRTF ang BFI o Boracay Foundation Incorporated.
Kaugnay nito, ‘no comment’ si BFI President Jony
Salme sa mga maaaring naging sentimyento ng congressman sa mga nakarating umano
sa kanyang problema sa isla.
Magugunitang sinabi ni Haresco na ipinarating mismo
sa kanya ng kanyang kapwa kongresista ang tungkol sa matagal nang problema sa
baha sa isla, dahilan upang pumunta ito sa Boracay nitong nakaraang Huwebes.
Sinabi rin kasi ng kongresista na sisilipin nito
ang mga nakarating sa kanyang report tungkol sa Boracay.
Samantala, patuloy namang tinututukan ng mga stakeholders
sa isla ang mga usapin kaugnay ng road easement at Boracay APEC Hosting sa May
2015.
No comments:
Post a Comment