Posted February 13, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Muling pinag-usapan nitong Sabado sa isang
pagpupulong ng Aklan Provincial Government ang Reclamation Project sa Caticlan,
Malay.
Ito ang kinumpirma mismo ni Jetty Port
Administrator Niven Maquirang.
Kaugnay nito, magugunita na nitong nakaraang taon
ay inasikaso ng pamahalaang probinsyal ang ilang mga problema sa Department of
Environment and Natural Resources (DENR) para makumpleto ang mga kinakailangang
dokumento na isusumite sa korte suprema.
Samantala, bagamat hindi muna ginagalaw ang
reclamation project sa Caticlan, ginagamit naman ito ng ilang mga cargos bilang
loading area para sa mga dinadala nilang produkto o kargamento papuntang
Boracay.
Matatandaang nagpalabas ang kataas-taasang hukuman
ng Temporary Restraining Order (TRO) upang ipahinto ang P1-billion project ng
probinsya na i-reclaim ang tens of hectares ng Boracay Island at Caticlan,
dahil sa ilang isyung pangkapaligiran.
Bagay na inalmahan din ng mga stakeholders sa
Boracay.
No comments:
Post a Comment