YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 12, 2015

Preparasyon ng LGU Malay sa APEC Summit sa Boracay, puspusan na

Posted February 12, 2015
Ni jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Puspusan na ang ginagawang preparasyon ng Local Government Unit ng Malay sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay ngayong Mayo.

Ayon kay SB Member at APEC 2015 Focal Person Rowen Aguirre, mayroon umano silang mga karagdagang ginagawa bilang bahagi ng paghahanda sa naturang Summit.

Dagdag pa nito nakatakda umanong pumunta sa isla ng Boracay ang National Organizing Committee (NOC) upang pag-usapan ang ilan pang preparasyon.

Samantala, nag-aantay lang din umano sila ng utos mula sa NOC sa kung ano pang mga paghahanda ang kanilang gagawin para sa gaganaping malaking meeting sa isla.

Sinabi din nito na ginagawa naman nila kung ano ang mga naka tuka sa kanila lalo na sa pag-organize ng mga Liason Officers.

Sa ngayon umano ay nag-set aside na rin sila ng budget para sa isasagawang meeting o APEC Summit sa Boracay ngayong Mayo 10.

No comments:

Post a Comment