Posted February 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Base sa kalatas na ipinadala ng Boracay Island
Water Company (BIWC), nitong pagpasok ng buwan ng Pebrero sinimulan ang
construction, kung saan inaasahang magbibigay ng mas maraming supply ng tubig
sa isla mula 14.5 milyong litro kada araw sa 20 milyong litro kada araw.
Bahagi ng nasabing proyekto ang paglalatag ng 5.5
kilometrong 400-milimeter diameter ductile iron pipe, na magdudugtong sa
pangunahing pinagkukunan ng tubig- ang Ilog ng Nabaoy patungo sa Caticlan Water
Treatment Plant.
Ayon sa BIWC, bahagi umano ito ng paghahanda ng Boracay
Water upang tugunan ang patuloy na tumataas na pangangailangan sa tubig ng isla
bunsod ng pagdagsa ng mga turista.
Nabatid kasi sa Department of Tourism (DOT) na
inaasahang aabot sa 1.7 milyon ang mga turista sa Boracay sa taong ito.
Inaasahan naman ang pagtapos ng nasabing proyekto
na nagkakahalagang P86 milyon sa kalagitnaan ng taon.
Samantala, ang Ang Boracay Island Water Company,
Inc. ay isang sangay ng Manila Water na itinatag noong 2009 sa isang kasunduan
kasama ang Tourism Infrastructure Authority and Enterprise Zone Authority na
naglalayong pangasiwaan ang serbisyo sa tubig at nagamit na tubig ng Boracay.
No comments:
Post a Comment