Posted February 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang dadami pa ang bilang ng mga delegadong dadalo
sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Boracay.
Ito ang sinabi ni Malay SB Member at APEC 2015 Focal
Person Rowen Aguirre matapos siyang dumalo sa Seniors Officers Meeting (SOM) 1
sa Clark Pampangga bilang bahagi ng preparasyon ng APEC nitong nakaraang
linggo.
Dito umano sinabi sa kanya ng ilang miyembro ng SOM 1 na
asahan ng LGU Malay na baka dumami ang mga partisipanting dadalo sa naturang
Summit sa isla.
Ito ay dahil nalaman ng mga delegates na may gaganaping
meeting sa isla ng Boracay kung saan parang lahat umano sila ay gusto na ring
mag meeting dito dahil sa sikat na lugar.
Nabatid naman na mayroon initial records na 1, 800
hanggang 2, 000 delegates ang inaasahang pupunta sa Boracay mula sa ibat-ibang
bansa para dumalo sa APEC Summit.
Samantala, sinabi pa ni Aguirre na gaganapin ang unang
meeting sa darating na Mayo 10 na susundan naman ng Ministerial meeting sa Mayo
23-26 hanggang sa magtuloy-tuloy ito sa iba pang araw.
No comments:
Post a Comment