YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 12, 2015

HRP Boracay, muling nagpaanyaya para sa ‘Date with Lord’ sa Valentine’s Day

Posted February 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM

Image result for holy rosary parish boracayWala ka bang makaka-date sa Valentine’s Day?

O mas gusto nyong makaranas ng masaya nguni’t solemneng date sa araw ng mga puso kasama ang special someone o mahal sa buhay?

Tamang-tama dahil hindi mo na rin kailangang gumastos para maging happy sa Valentine’s Day.

Kailangan nyo lang gawin-pumunta sa HRP o Holy Rosary Parish Boracay bukas ng gabi, February 13, para sa isang ‘Date with Lord’.

Ayon sa HRP, bukas ng gabi gaganapin ang aktibidad sa simbahan, dahil maaaring abala na ang lahat sa February 14.

Samantala, katulad ng mga nakaraang taon, inaasahang mapupuno ang simbahan sa ‘Date with Lord’ dahil sa mga Youth o kabataan, mga magsing-irog at maging sa mga mag-asawang nais mag-heart to heart sa Panginoong Diyos.

Tampok kasi sa nasabing aktibidad ang veneration of the cross, pagninilaynilay at pagdarasal.

Magsisimula ang ‘Date with Lord’ alas 6:30 bukas ng gabi na may temang Live, Laugh and Love.

No comments:

Post a Comment