Posted February 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patay na nang makarating sa ospital ang isang
construction worker matapos saksakin ng apat na beses ng kapwa construction
worker sa Boracay kagabi.
Kinilala sa blotter report ng BTAC ang biktima na
si Leonardo Pagacita ng Sagay City Negros Occidental habang kinilala naman ang
suspek na si Wency Bocabal, 44 anyos ng nasabi ding lugar.
Ang dalawa ay parehong nagtatrabaho sa isla ng
Boracay bilang mga construction worker.
Ayon sa blotter report ng mga pulis, nakita na
lamang di umano ng kanilang mga kasamahan ang dalawa na nag-aagawan ng kutsilyo
sa ikalawang palapag ng kanilang tinutuluyan sa So. Sinagpa Balabag Boracay.
Ilang sandali pa ay bigla na lamang nahulog si
“Pagacita” sa hagdan at wala nang malay.
Kaagad namang sumaklolo ang mga kasamahan nito
kabilang na ang isang sekyu na syang nagsurrender ng suspek sa mga pulis.
Samantala, narekober mula sa suspek ang 11 pulgada
na kutsilyo.
Kasalukuyan naman itong nasa kustodiya ng BTAC at
nakatakdang dalhin sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment