Posted
February 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Suko na umano ngayon si Malay SB member at Chairman ng
Committee on Laws Rowen Aguirre sa construction at expansion project ng Boracay
hospital.
Dahil sa nakikita umano nito na wala ng mangyayari dahil
sa mabagal ang tiyansang matapos ito agad at maihabol sa gaganaping Asia Pacific
Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay ngayong Mayo 2015.
Sinabi din nito na nagtanong sa kanila ang National
Organizing Committee ng APEC kung ano ang tiyansa ng nasabing hospital ngunit
sinabi nito na mas mabuting magkaroon nalang sila ng contingency plan dahil sa
nakikita nilang malabo itong matapos agad at maihabol sa APEC.
Samantala, inakala din umano nito noong una na ang
Provincial Health Office (PHO) Aklan ang siyang may hawak ng proyektong ito
ngunit lumabas sa huli na ang Department of Health Region 6 pala ang namamahala
dito.
Wala din umano silang alam kung ano ang naging problma ng
DOH Region 6 sa contractor ng nasabing hospital dahil hindi umano sila ang may
hawak nito.
Matatandaan na hiniling ni Aguirre sa Sangguniang Bayan
ng Malay na magpasa ng resolusyon para sa pag fast tract ng naturang hospital
bilang paghahansa sa APEC Summit.
No comments:
Post a Comment