Posted January 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ibinida ng Caticlan Jetty Port Administration ang
ibat-ibang serbisyo para sa mga nagtratrabaho sa isla ng Boracay.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, uunahin nilang bigyan ng serbisyo ang mga workers na tatawid sa Boracay.
Kabilang sa kanilang ibinida ay ang paglalaan ng sariling
entrance sa mga nagtratrabaho sa isla ng sa gayon ay hindi na sila
makipagsiksikan pa sa mahabang pila ng mga turistang magbabakasyon sa Boracay.
Kaugnay nito ang Caticlan Boracay Transportation
Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) ay nakatakda ring magbigay ng discount fare
sa mga Aklanon lalo na sa mga taga Boracay kung saan ang P25 na kanilang
binabayaran sa bangka ay magiging P20 nalang sakaling makakuha sila ng discount
card.
Samantala, isa pa sa mga plano ng CBTMPC para sa
mga residente sa Boracay ay ang P100 na pamasahe mula sa isla papuntang bayan
ng Kalibo, kung saan maaari nila itong ma-avail mula sa tanggapan ng nasabing
kooperatiba.
No comments:
Post a Comment