Posted February 9, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Humarap na kanina sa mga miyembro ng Boracay Action
Group ang bagong OIC ng Boracay PNP na si PSInspector Frensy Andrade.
Ginanap ang pormal na pagpapakilala ni Andrade pagkatapos
ng Joint Flag Raising Ceremony nitong umaga sa Boat Station 2.
Sa kanyang naging mensahe, sinabi ni Andrade na
nakahanda ang Boracay PNP na maglingkod
sa isla sa pamamagitan ng PNP Slogan na ‘PULIS AKO, PULIS NYO PO!.
Kasabay nito, aminado si Andrade na hamon para sa kanya
ang pagsugpo sa kriminalidad sa isla.
Tutulong din umano ang Boracay PNP sa pagpapatupad
ng mga ordinansa ng LGU Malay.
Samantala, kampanti rin nitong sinabi na hindi na
bago para sa kanya ang mga problema sa Boracay.
Tatlong taon na rin kasing naglingkod sa Boracay
PNP si Andrade bilang Police Officer 1 bago ito naging hepe ng Ibajay PNP at
napunta sa iba pang destinasyon.
Napag-alamang naging epektibo nitong Biyernes ang
order para kay Andrade bilang Officer In Charge ng BTAC o Boracay Tourist
Assistance Center.
No comments:
Post a Comment