Posted February 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi umano sigurado si SB member at 2015 APEC
Malay Task Group Focal Person Rowen Aguirre na maihahabol para sa APEC Summit
sa Boracay ang LED street lights.
Ito’y dahil sa nag-aantay pa umano sila ng pondo
mula sa National Organizing Committee (NOC) para dito.
Bagamat mayroon naman umanong nakalaang budget ang
Local Government Unit ng Malay para dito ngunit hindi naman umano ito
magkakasya.
Samantala, kailangan pa umano nilang sundin ngayon
ang procurement procedures ng gobyerno at kung aantayin nila ito ay matatagalan
pa.
Nabatid na isa sa mga pinag-usapan noong mga nakaraang
buwan sa Sangguniang Bayan ng Malay ay ang paglalagay ng street lights na may
LED sa mainroad ng Boracay bilang paghahanda sa Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) Summit sa Boracay ngayong Mayo 2015.
No comments:
Post a Comment