Posted February 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kasi kay Kalibo CAAP o Civil Aviation
Authority of the Philippines chief Cynthia Aspera, posibleng matatapos na sa buwan
ng Abril ang 44 ektaryang Kalibo Airport Expansion project.
Taliwas naman ito sa nauna niyang sinabi na target matapos
sa buwan ng Disyembre nitong nakaraang taon ang ginagawang terminal.
Kaugnay nito, magugunita ring humingi ng pang-unawa
si Aspera sa nararanasang pagsikip ng paliparan matapos magpadala ng sulat kay
DOTC o Department of Transportation and Communications Secretary “Jun” Abaya
ang PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry-Boracay.
Ayon sa PCCI, hindi kayang suportahan ng nasabing
paliparan ang pagdagsa ng mga turista, at mga business travelers.
Samantala, bahagi naman ng nasabing proyekto ang
pagkakaroon ng bagong passenger terminal buildings, access roads at parking
area.
Sinabi naman ni Abaya sa isang panayam na kailangang
palawakin ang paliparan base na rin sa standards ng International Civil
Aviation.
No comments:
Post a Comment