Posted February 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nanindigan ngayon ang Municipal Transportation
Office (MTO) Malay na hindi nila pinapayagang mag-renew ng permit ang mga motoristang
expired ang permit sa LTO.
Kasunod ito ng lumabas na kuwentong mistula may
pinapalampas ang MTO pagdating sa mga nasabing permit.
Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer
Cesar Oczon Jr., kung isang buwan bago ang expiration ng permit ay bibigyan
nila ito ng konsiderasyon o depende din sa sitwasyon.
Subalit, nilinaw din nito na kapag expired na
talaga ang permit sa Land Trasportation Office (LTO) ay hindi na nila ito
ikokonsidera.
Samantala, pakiusap naman nito sa mga
motorista na huwag nang antayin pa ang deadline bago mag-proseso ng kanilang
mga permit.
Anya, mas mabuting agahan na lamang ang
pagpapoproseso nito upang makaiwas sa anumang abala.
No comments:
Post a Comment