Posted January 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nais ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na
magpasa ng resolusyon para magbuo ng Technical Working Group kaugnay sa
easement rules sa Boracay.
Ito ang nakasaad sa incoming and referral sa
isinagawang SB Session ng Malay nitong Martes na kung saan ay pag-aaralan naman
ito ng committee on Laws.
Nabatid na ito ay tungkol sa apela ni SB Member
Jupiter Gallenero na may kaugnayan sa 15 meters both side easement sa kalsada
ng Boracay.
Napag-alaman na nais nitong makakuha ng kopya mula
sa Supreme Court ng mga easement rules dahil sa hindi nito pagpabor sa desisyon
ng korte na widening sa kalsada ng Boracay dahil sa marami ang apektado nito.
Samantala, nakatakda naman itong pag-usapan sa
susunod na SB Session ng Malay sa ilalim ng pag-aaral ni SB member at Chairman
ng Committee on Laws Rowen Aguirre.
No comments:
Post a Comment