Posted January 20, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay nito, patuloy ang pagpupulong at paghahanda
ng iba’t-ibang ahensya sa isla upang maging maayos ang lahat para sa pagdating
ng APEC delegates.
Subali’t aminado ngayon si Boracay Island Chief
Operations Officer Glenn Sacapaño na nag-aalala ito para sa mga nasabing
delegates na maaaring madismaya sa mga pasaway na komisyoner sa isla.
Dahil dito, sinabi ni Sacapaño na lilinisin na ang
mga nasabing komisyoner sa long beach ng Boracay lalo pa’t matagal na rin umano
nila itong ipinagbabawal.
Samantala, pinaalalahanan din ng administrador ang
mga naghahanap buhay sa Boracay nguni’t pasaway at walang permit.
Ayon kay Sacapaño, kailangan nilang maghigpit sa
pagpapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang turismo ng Boracay.
No comments:
Post a Comment