Posted January 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Katulad ng mga eleganteng cruiseship na dumaong sa isla
ng Boracay, dadaong din ngayong darating na Pebrero 3, 2015 ang MS Celebrity
Century.
Sa ginawang pagpupulong ng Jetty Port Administration
kahapon kasama ang Wallem Philippines na siyang kumpanya na humahawak ng
nasabing barko para sa tour nito sa bansa, dito napag-usapan ang mga
preparasyon at seguridad na ilalatag para sa maiden call nito sa darating na
Pebrero sa isla.
Nabatid na sakay nito ang estimated passenger mula sa
ibat-ibang bansa na 1, 835 kasama na ang 875 na crew na kung saan ay mayroong 224
filipino crew.
Dahil sa ito ang kauna-unahang pagbisita ng naturang
barko sa isla, isang maiden call naman ang isasagawa ng provincial government
ng Aklan katuwang ang Wallem Philippines na kung saan magkakaroon ng exchange
of Plaques sa loob ng barko.
Kasabay nito ilang Private at Government Officials mula
sa probinsya ang inaasahang aakyat sa barko sa loob ng ilang oras para rin sa
isang Tour.
Napag-alaman na bababa naman ang mga sakay nitong
pasahero para ikutin ang magagandang lugar sa isla lalo na ang beach area at
ang pagkakaroon ng island hopping activity.
Ayon naman kay Caticlan Jetty Port Administrator Nieven
Maquirang, kung ano umanong paghahada ang kanilang ginawa noong mga nakaraang
pagbisita ng ibang cruiseship sa isla ay ganoon din ang kanilang gagawin para
dito.
Samantala, ito ang pangatlong barko na dadaong sa Boracay
kung saan 12 pa ang inaasahang bibisita sa isla ngayong taong 2015.
No comments:
Post a Comment