Posted January 21, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inilarawan pa rin ng Aklan Police Provincial Office
(APPO) ang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival bilang “Generally Peaceful.”
Ayon kay Aklan Police Director Senior
Superintendent Iver Apellido, maliban sa naitalang kaso ng pananaksak at ilang
nakawan sa siyam na araw ng selebrasyon.
Wala nang anumang malalaking insidente o aksidente
pa na nangyari sa gitna ng aktibidad.
Sa kabila nito, sinabi din ni Kalibo Police Chief Superintendent
Pedro Enriquez na naging mapayapa ang pagsasagawa ng kanilang checkpoints and
police assistance centers.
Gayunpaman, anya may mga kailangan pa ring ayusin
at dapat e-improve pagdating sa traffic rerouting.
Samantala, nabatid na nagpakalat ng nasa mahigit
800 na mga pulis ang APPO kaakibat din ang mga barangay tanods, Philippine
Army, civilian volunteers and auxiliary police upang tiyakin ang seguridad sa
nasabing selebrasyon.
Kaugnay nito, bumisita din si Police Regional
Office (PRO)-6 Police Director Chief Superintendent Josephus Angan sa araw ng
kapistahan upang e-monitor ang sitwasyon sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment